Lakbay Sanaysay

Lakbay Sanaysay- Sum-ag Ang sum-ag, isang barangay sa Bacolod City, ay kilala hindi lamang sa mga magagandang tanawin kundi pati na rin sa masaganang kultura at tradisyon. Pumunta kami sa Sum-ag upang bumisita sa aming pamilya doon. Mula sa lungsod, ang biyahe patungo sa Sum-ag ay maikli ngunit puno ng mga tanawin. Pagdating namin, agad bumungad samin ang mga makulay na bahay at mga ngiting masigla ng mga tao. Unang pinuntahan namin ay sa bahay nang pamilya namin doon sa purok tumpok upang mangamusta at bumisita doon dahil ilang buwan narin kami na hindi bumibisita sa kanila dahil nga ay malayo kami sa kanila ilang biyahe pa papunta doon. Nagpunta kami sa Sum-ag River, kung saan maraming tao ang nagkakasama-samang nagkakaroon ng masayang oras sa pagligo at pangingisda. At bumili kami nang talaba at sisi dahil hindi na kami nakakain nito dahil nga ay ngayon narin ulit kami pumunta dito, pagkatapos namin bumili umuwi narin kami upang makain na namin ang binili namin na talaba ...