Lakbay Sanaysay

 Lakbay Sanaysay- Sum-ag


Ang sum-ag, isang barangay sa Bacolod City, ay kilala hindi lamang sa mga magagandang tanawin kundi pati na rin sa masaganang kultura at tradisyon. Pumunta kami sa Sum-ag upang bumisita sa aming pamilya doon.


Mula sa lungsod, ang biyahe patungo sa Sum-ag ay maikli ngunit puno ng mga tanawin. Pagdating namin, agad bumungad samin ang mga makulay na bahay at mga ngiting masigla ng mga tao. Unang pinuntahan namin ay sa bahay nang pamilya namin doon sa purok tumpok upang mangamusta at bumisita doon dahil ilang buwan narin kami na hindi bumibisita sa kanila dahil nga ay malayo kami sa kanila ilang biyahe pa papunta doon.



 Nagpunta kami sa Sum-ag River, kung saan maraming tao ang nagkakasama-samang nagkakaroon ng masayang oras sa pagligo at pangingisda. At bumili kami nang talaba at sisi dahil hindi na kami nakakain nito dahil nga ay ngayon narin ulit kami pumunta dito, pagkatapos namin bumili umuwi narin kami upang makain na namin ang binili namin na talaba ay sisi.



Bumisita kami sa tita ko upang mangamusta at maki bonding sa kanila dahil ngayon lang ulit kami nagkita at pinagusapan namin ang kaganapan ng buhay namin at kung ano pa ang pinaguusapan namin.



Sa aking pag-alis sa Sum-ag, dala ko ang mga aral mula sa mga tao, kultura, at mga kwento. Ang Sum-ag ay hindi lamang isang destinasyon kundi isang komunidad na puno ng pagmamahal at pagkakaisa. Ang bawat pagbisita ay nagdadala ng bagong pananaw at pagpapahalaga sa mga simpleng bagay. Malungkot dahil hindi na ulit kami magkikita at ilang buwan naman ulit kami magkikita, Sa huli, ang Sum-ag ay isang patunay ng yaman ng ating kultura at ang halaga ng pakikipag-ugnayan sa mga tao





Comments